Huwebes, Enero 16, 2014

Kabanata 30 - Sa Simbahan

Kabanata 30 - Sa simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. may ilang tumutulak. may ilang gumigitgit. Kung may ilang pawisan ang lumalabas. Dagsa-dagsa naman ang patuloy na pumapasok sa makipot na pinto ng bahay dasalan. May mga panatikong nagsasasawsaw ng kamay sa banal na tubig. May mga kabataan namang hindi pa man lamang nababasa ang dulo ng kanilang mga daliri ay nagkukrus na kaagad.
Sa bulung-bulungang nagkakahalaga raw ng dalawang daan at limampung piso ang misa sa araw ng kapistahan ay galit na nagkomentaryo si pilosopong tacio.
“Napakalaki namang halaga ng misang ito. Hindi na nalalayo sa mga ibinabayad sa comedia na tatlong araw na itinatanghal. Pagkayaman-yaman pala ng san Diego!”
“Teka,teka, mukhang may lumalabas na pag kukumpara sa comedia at sa misa. Para sa akin,ang kaluluwa ng nanonood sa comedia ay napupunta sa impyerno samantalang ang mga kaluluwa ng nakikinig sa sermon ay napupunta sa langit,” paliwanag yon ng maestro ng kapatiran ni San Francisco.
“Tama kayo. Tama kayo. Para nga sa akin, higit na nakaaaliw ang sermon kaysa comedia lalo’t si padre damaso ang bibigkas ng sermon.”
“Para sa akin. Walang kaaliwan akong nakukuha sa misa man o sa komedya.”
“nakasisiguro po ako dahil mukhang hindi kayo nakaiintindi ng kahulugan ng komedya at ng misa.” Biglang talikod ni Pilosopong tacio ng hindi na pinakinggan pa ang panggagalaiti at pang –iinsulto ng kausap.
Mapapansing maraming kalalakihan ang bulung ng bulong na para bang totoo ngang dasal nang dasal. Marami ring kababaihan ang rusaryo nang rusaryo pero panay naman ang sulyap sa paligid upang alamin kung may nagmamasid . kung walang nanonood, ginagaya nila ang kunwari’y pagbuka-buka ng mga bibig na ginagawa ng kabinataan sa kanilang paligid.
Sa matinding init, butil-butil na pawis ang tumutulo sa noo ng bawat isa. May paypay nang paypay. May hikab nang hikab. May mga sanggol na kahit ihele mo na ay bumubunghalit pa rin ng iyak na para bang kinakatay na biik.
Habang nag hihintay ang lahat sa pagdating ng alkalde. Ang mga ina ay walang tigil sa pagpapaypay. May nagpapaypay ng panyo. May nagpapaypay ng sumbrero. May nagpapaypay ng abaniko.
Sa malakas na iyakan ng mga bata, nanggigigil ang maestro ng kapatiran ni San domingo na pabulong na nagsabing “Pagpapakasakit at kabanalan ang mag-alaga sa mga batang paslit, mga paslit na batang matatahimik!”
Hindi lang katahimikan ang kailangan. Ito ang paniniwala ni Tiya Pute, isang matandang babaeng hila-hila ang anim na taong apo na habang kinukurot ay pinagsasabihan nang makitang hihikab-hikab at inaantuk-antok.” Sa impyerno mapupunta ang kaluluwa mo bata ka. Maghintay ka sa sermon pang-Byernes Santo. Malditang bata. Hindi ka lang dapat lumuhod. Kailangang makinig ka!”
Totoong maraming bagay na makikita sa loob ng simbahan ang makapagpapawis sa iyong noo o makapagpapataas ng presyon ng dugo mo. Pero kung mapapasulyap ka sa malapit sa altar, masisiyahan kang Makita si Maria Clarang nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tiniyak ng mga sacristan na komportableng lugar ang kinauupuan ng tanging anak ni Don Santiago de los Santos samantalang. Ito naman ay bihis na bihis na nakaupo sa mahabang silya na reserbado sa nirerespetong mga panauhin. Ang ilang hindi gaanong nakakakilala kay kapitan Tiago ay mag-aakalang isa siyang alkalde na dapat katakutang lapitan.
Sa isang sulok naman ng simbahan tatanaw-tanaw lamang kay Maria Clara si Crisostomo Ibarra.
Sa wakas , dumating din ang alkalde kasama ang isang rekwang mga tauhan. Bulungang umaatikabo. Kapansin-pansing napakagara ng kasuotan ng alkalde. Nadedekurasyunan ito ng nagkikislapang banda ni Haring Carlos III, apat na medalyong nagkikinangan. Sa ganda ng kasuotan. Hindi kaagad siya nakilala ng masa.
“Aba!”gulat na sabi ng isang mangbubukid.” Isang gwardiya sibil na nakasuot komedyante!” bungisngisan ang nakarinig.
“Oo nga, si prinsipe vlilardo na napanood natin kagabi. Si prinsipe villardo nga!” matuwid na tumindig ang alkalde na para bang lalabang prinsipe at sasagupa sa mga kalabang higante.
Sinimulan na ang engrandeng misa. Sa malakas na pag-awit ng koro isinunod ang malakas na pagdupikal sa batingaw. Hindi ipinahalata ni Padre salvi ang kaniyang kasiyahan sa sabay-sabay na pagsunod ng lahat, sabay-sabay na pagtayo, sabay-sabay na pag-upo.
Lalong nagniningning ang mga mata ni padre salvi nang masulyapan ang dalawang pareng augustino na makakatulong niya sa misa. Mapapansing lalong nagpakatuwid-tuwid ito sa pagkakatindig. Para bang ibinabando nya sa lahat na, “Heto ako, Franciscano, Sundin ninyo!”
Sa pagsusunog ng insenso sa altar, ang makapal na usok ay tumakip sa mukha ng taas noong pare. Napangiti si kapitan tiago nang makitang inihit ng ubo ang kura.
Ang paghihintay na oras ay dumating. Oras yon ng pagsesermon ni Padre damaso. Sa paghinto ng musika, ang tatlong pareng nagmimisa ay naupo na sa kani-kanilang naaador nohang silya. Si tiya pute na naghihilik na ay biglang nagising sabay batok sa apong nakatulog na rin.
Tinginan ang lahat sa matabang pare. Nagdaan si padre damaso sa gitna ng mga tao kasunod ang dalawang sakristan at isa pang pareng may dala-dalang malaking kwaderno. Parang nahahating dagat ang mga tao sa pag bibigay daan upang madaling marating ng mabilog na kura ang pulpito.
Sa pag-akyat ni padre damaso sa paikut-ikot na hagdanan. Nawala ito sa pananaw ng lahat hanggang sa unti-unti na naman siyang masilayan ang kanyang bilugang ulo, ang kaniyang matabang leeg, ang bundat niyang tiyan, ang buo niyang katauhan.
Bago umakyat sa pulpito, muli syang sumulyap sa libu-libong tao. Natanaw niya kaagad si Ibarra at parang sinabi niya sa mapanghamong sulya na “Humanda ka!” tiningnan din niya si padre martin mula ulo hanggang paa at parang sinabi ritong “Ganito ang pagsesermon!”
Maya-maya, lumingon ito sa kasamang Pransiskano at para bang sinabing “Buksan mo na!” binuksan na nga ng katulong na pare ang dalawang kwaderno at nagsimula nang magdikta.

Mga gabay na tanong:

I. Talasalitaan 
1.Gumitgit siya upang makapasok at makapag-abuloy sa mga nasunugan 
(A.umalis B.nakiusap C.nagpumilit D.nanakot)
2.kabit na ihele mo ang sanggol ay iiyak yan pagkat gutom.
(A.painumin B.iugoy C.paypayan D.lampinan)
3.Napakagara ng mga damit na ipinamigay mo sa mga binaha. 
(A.napakaganda B.napakalinis C.napakabango D.napakaluma)
4.Hindi pinapasok sa bulwagan ang isang rekwang kaibigang, isinama niya.
(A.matapat B.matino C.magulo D.batalyon)
5.Hindi mo na dapat ibinando pa sa lahat ang mga kabutihang nagawa mo sa kapwa.

(A.itinago B.ikinumpara C.isinulat D.sinabi)


II. Pag-unawa sa binasa:

1.sa pagsasabi ng awtor na ang mga kabataan ay nagkukrus na kahit di pa man nababasa ng banal na tubig ang mga dulo ng daliri nila ay nagpapahiwatig na sila ay hindi (A.makabayan B.maka-diyos C.makatao D.makalupa.)

2.sa pagsasabi ni pilosopong tacio na higit siyang naaaliw sa sermon ni padre damaso kaysa pagtatanghal ng mga comedia, masasabing ang tono ng pagsasalita nito ay (A.makatotohan B.kasiya-siya C.sarkastiko D.pagalit)

3.ang mga salitang maestro ng kapatiran ni Santo Domingo na nagsabing: “pagpapasakit at kabanalan ang mag-aalaga sa mga batang paslit, mga paslit na batang matatahimik” ay patungkol sa mga batang isinasama sa simbahan pero (A.nagtatawanan B.naglalaro C.nagbubulungan D.nag-iiyakan)

4.masasabing nakahiwalay ang mayayaman at mahihirap sa pagbibigay pag-papahalaga kay kapitan tiago lalo’t titingnan ang (A.nahihiya B.natutuwa C.nagagalit D.nagmamalaki)nito.

5.nagpakatuwid-tuwid sa pagkakatindig si padre salvi nang Makita ang pagdating ng dalwang pareng katulong niya sapagkat (A.nahihiya B.natutuwa C.nagagalit D.nagmamalaki)ito.

6.Bukod kay Ibarra, tiningnan muna ni padre damaso mula ulo hanggang paa si (A.padre salvi B.padre salvi C.padre martin D.maria clara)